Lakbay Sanaysay


 Lakbay Sanaysay ni Leguro,John Dominic A.

Sa ating paglalakbay hinding-hindi natin maiiwasan na pumunta sa magagandang lugar o tanawin. Mga lugar na hindi mawawala sa ating ala-ala lalo na't kasama ang ating pamilya. Isa dito Ang Basilica Minore del Santo Niño de Cebu o kilala nilang Senior Sto. Nino.


Ang Basilica Minore del Santo Niño de Cebu ay isa sa mga kilalang Cultural Catholic Church dito sa pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Osmeña Blvd., Cebu City.



Sa paglalakbay namin sa ibat-ibang tanawin napag pasyahan ng pamilya ko maglakbay dito. Unang beses ko lang nakita ang isang malaking simbahan ng Cebu na tinatawag na Senior Sto Nino Church. Napakalaking simbahan ang iyong makikita dito napakaganda at may ibat-ibang imahe ng  mga diyos o santo. Maraming tao ang pumupunta dito para magsamba o magpasalamat sa mga biyayang nataggap nila minsan naman pumunta ang mga tao dito dahil sa naggagadahan istraktura. Mahusay ang mga pari na mag mesa at malaking lugar sa loob nito. Bawat imahe ay may ibat-ibang kasuotan. Magaganda ang paggawa nito at kaakit-akit tingnan.

      Sa aking paglalakbay nakikita ko ang mga magandang tanawin at nagbibigay inspirasyon ito sa aking sarili. Naging ala-ala sa akin ang aking pagpunta sa lugar na iyon dahil nagdadasal ako kasama ang aking pamilya.

Comments